Tuesday, August 4, 2009

PAALAM MAHAL NAMING PANGULONG CORY AQUINO


Sa Ina ng Isang bansang nooy nangulila sa demokrasya.. Sa babaeng humubog ng landas ng isang bansa tungo sa pagsisimula ng bagong pangarap. Sa natatanging Pangulong kumatawan sa tunay na diwa ng PAMUMUNO.. SALAMAT..

Hindi sapat ang mga titik na ito upang ipahayag ang iyong dakilang pamana sa bayang minahal mo ng higit pa sa iyong sarili at pamilya.. Sa iyong pamumuno alam naming ginawa at isinakripisyo mo ang lahat..

Ina ng isang magiting na bayan, sinimulan mo ang pakikibaka upang maibasan ang uhaw ng sambayanan sa kalayaan, ikaw ang nagsilbing ilaw ng isang bansang nooy nabalot ng dilim..

Salamat Tita Cory.. Paalam.. Hiling naming patuloy na maramdaman ang diwa mo sa aming mga puso..

I would rather die a meaningful death than to live a meaningless life.
-Corazon C. Aquino, Ina ng Demokrasya ng Bayang Pilipinas

No comments: